Ngayong araw inaasahang ilalabas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang official report na magrerekomenda ng paghaharap ng kaso sa mga opisyal ng Customs at mga pribadong indibidwal na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkawala ng tone-toneladang kontaminadong karne ng baboy.
Sa Dis. 6, 2006 report na inilabas ni NBI Regional Director Ruel Lasala, kinumpirma nito na malaki ang partisipasyon ng Customs insider sa pagkawala ng dalawang 40-footer container vans na naglalaman ng mga kontaminadong karne na ipinasok sa bansa.
Nasabat ng CIDG-Task Force on Anti-Smuggling ang apat na container vans na nakapangalan sa Asia Golden Pork Marketing.
Matapos ang pagkakumpiska, iniutos ni Morales ang pag-iimbak ng kontrabando sa Sigma Seven Storage and Warehouse sa Manila Harbor Center.
Ayon sa NBI, ang Sigma Seven ay pasilidad na kinontrata ng Customs upang pag-imbakan ng mga nakukumpiskang kontrabando. Gayunman, nawala ang naturang mga "hot meat."
Tahasang sinabi ng hog raisers na walang dahilan para makalusot si Morales sa kontrobersiyal na issue na naging sanhi upang malagay sa peligro ang mga karne sa merkado nitong nakaraang Pasko. (Doris Franche)