Garci sesentensiyahan ng NPA!
December 29, 2006 | 12:00am
Kinagat ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) ang hamon ni Justice Sec. Raul Gonzalez na magsumbong sa rebeldeng kilusan ang mga hindi kuntento sa desisyon ng DOJ na iabswelto si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa 21 counts ng falsification at perjury.
Inihayag ni Ka Roger Rosal, spokesman ng CPP, na inaasahan na nila na lilinisin ng DOJ ang pangalan ni Garci para hindi magsalita ng kanyang nalalaman kaugnay sa nangyaring dayaan sa May 2004 elections.
Dahil dito, sinabi ni Ka Roger na nakahanda ang kanilang Peoples court o Kangaroo court na litisin si Garci kung saan ay oobligahin nila ito na humarap.
Magugunita na inabswelto ni DOJ chief prosecutor Joventico Zuno si Garci dahil sa paggiit ng dating opisyal ng Comelec na hindi ito umalis ng bansa gayung sinertipikahan ng Singaporean immigration office na nagpunta si Garci sa Singapore sa kainitan ng "Hello Garci" tape controversy.
Umani ng batikos ang desisyon ng DOJ, bunsod para hamunin ni Sec. Gonzalez ang mga hindi satisfied sa desisyon na dalhin ang reklamo sa Kangaroo Court ng NPA. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am