Jinggoy pinayagang magpunta sa HK
December 22, 2006 | 12:00am
Pinagbigyan kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan ni Sen. Jinggoy Estrada na makapunta sa Hong Kong sa loob ng dalawang araw mula Disyembre 22-23.
"Personal matter" ang idinahilan ng senador sa kanyang pagpunta sa HK.
Hindi tumutol ang korte sa kahilingan ni Jinggoy dahil palagi naman umano itong sumusunod sa kondisyon ng korte tuwing lalabas ng bansa.
Dahil co-accused si Jinggoy ng kanyang amang si dating Pangulong Erap sa kasong plunder, kinakailangan nitong magpaalam sa korte tuwing lalabas ng bansa. Pinaglalagak siya ng P100,000 travel bond at kailangan nitong mag-report sa korte sa loob ng 5 araw pagbalik sa Pilipinas. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended