^

Bansa

Batas sa ‘pangangaliwa’ pasado na sa Kamara

-
Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House bill 5729 o mas kilala sa tawag na "marital infidelity law" na naglalayong gawing pantay ang parusa sa mga babae at lalaki na nagtataksil sa asawa.

Ang nasabing batas ay isinulong nina Cibac Rep. Joel Villanueva at Ilocos Norte Rep. Imee Marcos.

Mas mabigat sa ngayon ang parusang ipinapataw sa mga nangangaliwang babae kaysa sa lalaki kung saan kinakasuhan ang mga babae na adultery at concubinage naman sa lalaki.

"The marital infidelity law in the Phiippines has been perceived as bias in favor of the male spouse with heavier penalty and hevier proof of burden imposed on the female spouse," pahayag ni Villanueva.

Kapag naging batas, ang concubinage at adultery ay tatawagin nang "marital infidelity law."

Exempted naman sa batas ang mga Muslim at iba pang indigenous people dahil naaayon sa kanilang tradisyon ang pag-aasawa ng higit sa isa.

Ang mga lalabag ay paparusahan ng prison correccional o maximum na 6 na taon.

Prison mayor naman o maximum na 12 taon ang ipapataw na parusa sa mga empleyado o opisyal ng gobyerno na sasabit sa marital infidelity. (Malou Escudero)

CIBAC REP

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

JOEL VILLANUEVA

KAPAG

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

PHIIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with