Kinumpirma kahapon nina Sen. Franklin Drilon at Albay Rep. Joey Salceda, na nauwi sa deadlock ang usapan ng bicameral conference committee sa panukalang budget dahil sa mga pinagtatalunang insertion ng mga kongresista.
Isa umano sa pinagtalunan ng Senate at House panel ay ang school feeding program dahil gusto ng mga kongresista na bigas ang ipamigay sa mga mag-aaral samantalang gatas naman ang gusto ng mga senador.
Binunyag naman ni Sen. Panfilo Lacson na kaya ipinipilit ng mga kongresista na bigas ang bilhin ay dahil may kikitain sila dito.
"Kaya nagkaloko-loko ang budget, nauunang isipin ang pasanriling kita," sabi ni Sen. Lacson.
Kapag tuluyang hindi naipasa ang panukalang budget bago magbakasyon ang sesyon ng Kongreso sa Disyembre 22, ito na ang ikalimang sunod na taon na gumamit ng reenacted budget ang gobyerno. (Rudy Andal/Malou Escudero)