^

Bansa

Seguridad sa rally kasado na

-
Handa na ang ilalatag na seguridad ng Manila Police District (MPD) sa isusulong na prayer rally ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang pagkontra sa isinusulong na Charter change ng pamahalaan.

Sinabi ni MPD officer-in-charge Danilo Abarsoza, nakaalerto na ang kanilang buong puwersa kung saan magbabantay ang daan-daang libong miyembro ng Civil Disturbance Management Unit katulong ang mga tauhan ng National Region Police Office (NCR PO) at mga tauhan na hinugot sa mga istasyon ng MPD.

Nakaalerto rin ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics Unit, Explosive and Ordnance Division (EOD), Mobile Patrol unit at Intelligence Division upang matiyak na maiging mapayapa ang naturang okasyon.

Ang paghihigpit ay matapos na ihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng atakihin ang naturang pagtitipon ng mga terorista at maaaring matulad sa Plaza Miranda bombing.

Magkakaroon rin ng traffic re-routing scheme ang Traffic Bureau ng MPD para makatiyak na magiging maayos ang daloy ng trapiko.

Samantala, itinaas na rin kahapon ng AFP-National Capital Region ang buong puwersa nito sa Metro Manila upang tumulong sa pulisya sa pagpapatupad ng security measures sa idaraos na malawakang prayer rally kontra Chacha.

Una nang isinailalim ng PNP sa full alert status ang buong puwersa nito. (Danilo Garcia/Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

DANILO ABARSOZA

DANILO GARCIA

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

INTELLIGENCE DIVISION

JOY CANTOS

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with