Ito ang ipinahayag ni Justice Sec. Raul Gonzalez sa kanyang programa sa radyo, hinggil sa pagbantulot ni Judge Pozon sa paglilipat kay Smith.
Ayon pa sa kalihim, nagpi-feeling hari at nagpapapansin lamang umano si Judge Pozon matapos itong makakuha ng mga papuri nang desisyunan ang kaso pabor sa biktimang si Nicole.
Naniniwala si Gonzalez na hindi na kailangan pang idaan sa hearing ang inindorsong note verbale ng US government dahil malinaw na isinasaad umano ng Visiting Forces Agreement (VFA) na maaaring ibalik at may karapatan sa custody ang US sa isang akusadong katulad ni Smith hanggat may proceedings pang isinasagawa at hindi pa naisasapinal ang hatol.
Inaasahan naman ngayong araw ay isasagawa ang pagdinig upang madetermina kung dapat na ibigay na sa US government ang kustodiya kay Smith. (Ludy Bermudo)