^

Bansa

‘Wag pakasiguro sa Con-Ass

-
Binalaan ng bagong hirang na punong mahistrado ng Korte Suprema ang Kongreso na ‘di dapat maging kumpiyansa na papaburan ng Korte ang isinusulong nitong Constituent Assembly (Con-Ass).

Sa press briefing ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, sinabi nito na huwag pakasiguro ang mga mambabatas na nagsusulong ng Con-Ass na sa kanyang termino ay papasa ang nasabing pamamaraan ng pagbabago ng Constitution.

Aniya, hindi nangangahulugan na papaboran din niya ang Con-Ass dahil lamang sa bumoto ito sa pagsusulong ng People’s Initiative.

"I will not conditioned my vote on the basis of who appointed me," ani Puno.

Ipinaliwanag ni Puno na magkaiba ang issue ng People’s Initiative at Con-Ass kung saan hindi umano niya hawak ang magiging boto ng iba pang mahistrado kung sakaling tuluyang umakyat ang usapin ng Con-Ass sa Korte Suprema.

Binigyang-diin pa rin ni Puno na ibibigay niya ang kanyang boto sa anumang issue batay sa nilalaman ng Saligang Batas at hindi batay sa ibinubulong ng sinuman.

Una ng sinabi ng ilang mambabatas na nagkaroon umano sila ng bagong kakampi sa Korte Suprema nang i-appoint ni Pangulong Arroyo si Puno bilang bagong punong mahistrado.

Si Puno ang ika-22 punong mahistrado ng SC. Kabilang sa mga isinulat na desisyon ni Puno ay ang pagdedeklara na lehitimo ang pagka-pangulo ni GMA; pagdedeklara na unconstitutional ang Oil Deregulation Law at ang pag-uutos sa Meralco na mag-refund sa mga consumers nito. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANIYA

CON-ASS

CONSTITUENT ASSEMBLY

KORTE SUPREMA

OIL DEREGULATION LAW

PANGULONG ARROYO

PUNO

SALIGANG BATAS

SI PUNO

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with