TRO sa AMWSLAI inutos ng SC
December 6, 2006 | 12:00am
Inatasan ng Korte Suprema si Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Oscar Calderon na ipatupad sa lalong madaling panahon ang temporary restraining order na ipinalabas nito laban sa mga dating opisyal ng Air Material Wing Savings and Loan Asso. Inc. (AMWSLAI), itoy kasunod ng pagsusuntukan ng nagkainitang mga guwardiya ng magkabilang paksiyon na nagbabantay sa gusali ng naturang savings fund.
Sa resolution ng SC 1st Division, binawalang muling makabalik sa posisyon ang mga dating board of trustees ng AMWSLAI at bakantehin ang naturang tanggapan.
Ibinasura rin ng SC ang inihaing apela ng mga dating opisyal na pinamumunuan ni Col. Luvin S. Manay na muling mailuklok ang mga ito bilang board of trustees.
Pinagbawalan na din ng korte ang grupo ni Manay na pumasok sa tanggapan ng AMWSLAI sa Quezon City at Pasay City at itigil ang kanilang trabaho rito.
Nais din ng SC na tiyakin ng PNP na ang mga bagong board of trustees na pinangungunahan ni ret. Col. Ricardo Nolasco ang magpatakbo sa nasabing tanggapan at siyang mag-operate dito. (Grace dela Cruz/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended