Tiwala ng Pinoy nakuha ni Loren
December 4, 2006 | 12:00am
Nakuha ni dating senadora Loren Legarda ang tiwala ng nakararaming Pilipino matapos siyang manguna sa Pulse Asia Survey ng mga public figure na pinagtitiwalaan ng mga Pinoy, kung saan pumapangalawa ang mga sports icon na sina Manny "Pacman" Pacquiao at Efren "Bata" Reyes.Si Loren ay nakatanggap ng mataas ng 67 percent trust rating percent sa survey na isinagawa mula Oct. 21 hanggang Nov. 8 na nilahukan ng 1,200 respondents at may margin of error na plus or minus two percent.
Samantala, si Pacquiao ay nakakuha ng 66% at si Reyes, 65%. Iniwan nina Loren, Pacquiao at Efren Bata ng milya-milya ang mga incumbent public figure. Pang-apat si Sen. Mar Roxas (64%) at sinundan nina Sen. Ralph Recto (60%), dating senador Vicente Sotto III (57%), Senate President Manny Villar (52%), Sen. Rodolfo Biazon (48%), Rep. Francis Escudero (47%) at Makati Mayor Jejomar Binay (42%).
Si Loren ay nanguna rin sa dalawa pang survey na isinagawa ng Pulse Asia at Social Weather Station kung sino ang nais iboto ng mga Pilipino sa pagka-senador kung magkakaroon ng eleksyon ngayon.
Nang hingin ng reaksyon sa kanyang pangunguna sa tatlong survey, sinabi ni Loren na lalo pa siyang naging determinado na manilbihan sa publiko sa anumang kapasidad, bagamat wala pa siyang plano kung tatakbo siya sa pagkasenador sa 2007.
Si Loren ang nanguna sa 1998 senatorial elections, sa mahigit 15 milyong boto na kanyang nakuha.
Siya ang kauna-unahang babaeng Senate majority leader, at may-akda ng maraming landmark na batas, kabilang ang Republic Act 9262 na nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan at kabataan laban sa domestic violence.
Malaki rin ang papel na ginampanan ni Loren sa pagpasa ng Clean Air Act at ng Solid Waste Management Law. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended