^

Bansa

Iggy umalma kay Cayetano

-
Hinamon kahapon ni Negros Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na maglabas ng ebidensiya sa paratang ng huli na siya at ang kanyang pamangking si Pampanga Rep. Mikey Arroyo ay tumatanggap ng jueteng payola kaya dapat silang matanggal sa House of Representatives.

Sinabi ni Arroyo na ang pag-abuso ni Cayetano sa kanyang katayuan, makapagsinugaling lamang ay dapat nang mahinto bago isipin ng publiko na lahat ng kogresista ay katulad ni Cayetano.

"Una ay ang diumano’y dollar account sa Germany ng isa sa amin, na hanggang ngayon ay walang maipakitang katibayan si Mr. Cayetano."

"Ngayon naman ay nananawagan siya sa pagpapatanggal sa akin at sa aking pamangkin sa Kongreso dahil umano sa pagtanggap namin sa jueteng payola gayong wala siyang maipakitang katibayan maliban sa kanyang mapanlinlang na mga salita," ayon pa kay Arroyo.

Binigyang-diin ni Arroyo na dapat maglabas agad ng ebidensiya si Cayetano kung hindi ito namumulitika at naninira lamang ng reputasyon. (Malou Escudero)

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BINIGYANG

CAYETANO

HINAMON

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MALOU ESCUDERO

MIKEY ARROYO

MR. CAYETANO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PAMPANGA REP

TAGUIG-PATEROS REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with