Sinabi ni presiding Justice Teresita Leonardo-de Castro na hindi nirespeto ng BJMP ang korte nang ilipat si Ang sa BJMP-NCR mula sa Quezon City Jail.
"You have disrespected the court. You managed to have yourself interviewed on television and yet you dont have time to inform us of the transfer," ani de Castro.
Dumalo sa hearing sina Senior Supt. Serafin Barreto, acting director ng BJMP-NCR at Supt. Ignacio Panti, warden ng QC Jail at DILG Undersecretary Marius Corpus.
Sinabi naman nina Associate Justice Diosdado Peralta at Francisco Villaruz na hindi lamang binalewala ng BJMP at DILG ang korte kundi binastos din ng mga ito ang judicial system.
Kinuwestiyon ng mga justices ang BJMP kung bakit hindi ng mga ito maipakita sa korte ang detalye ng intelligence information na magpapatunay na may banta sa buhay ni Ang.
Ayon pa kay Peralta, nilabag ng BJMP ang kautusan ng korte dahil gumawa ito ng hakbang bago pa man makapagbaba ng resolusyon ang Sandiganbayan kaugnay sa kahilingan na mailipat ng kulungan si Ang.
Nooong Nobyembre 15, sinabi ng Sandiganbayan na sa QC Jail ikulong si Ang, co-accused ni dating Pangulong Estrada sa P4.1 bilyong plunder case, pero isang gabi lamang itong nagtagal sa nasabing kulungan ay inilipat na ito sa BJMP-NCR. (Malou Escudero)