Totoong kalagayan ni GMA wag raw ilihim
November 28, 2006 | 12:00am
Inamin ni Justice Secretary Raul Gonzalez na hindi dapat ilihim sa publiko kung seryoso nga ang sakit ni Pangulong Arroyo.Ipinaliwanag ni Gonzalez na may karapatan ang publikong malaman at mabigyan ng sapat na impormasyon hinggil sa kung ano ang tunay na kondisyon ng Pangulo ng bansa.
Anya, nakasaad sa Konstitusyon ang karapatan ng mga mamamayan na malaman kung may sakit o wala ang Presidente ng bansa.
Gayunman, kung routinary check-up lamang naman ay hindi na ito kailangan pang ipaalam ng Pangulo, lalo pa kung taun-taon naman itong isinasagawa.
Una rito, may mga naglabasang balita na Biyernes pa lamang ay isinugod na sa St. Lukes Hospital ang Pangulo, subalit naipabatid ito sa publiko noong Sabado na.
Tumatanggi rin ang Malacañang na kumpirmahin ang mga balitang may malubhang karamdaman ang Pangulo at sa halip ay sinabing ang bahagi ng kanilang year-end check-up ang pagdala rito sa ospital.
"Everything was normal, there is nothing to hide," pahayag naman ng attending physician ng Pangulo na si Dr. Juliet Gopez-Cervantes, espesyalista sa liver cancer.
Alas-9 ng umaga kahapon ay na-"discharged" sa St. Lukes ang Pangulo at First Gentleman Mike Arroyo.
Tatlong beses nang nagpabalik-balik sa St. Lukes ang Pangulo ngayong taon. Nitong Hunyo ay dalawang araw itong naratay dahil sa diarrhea o pagtatae, na ayon sa mga doktor ay dulot ng stress na nagpababa ng kanyang resistensiya sa impeksiyon. Muli itong naospital isang buwan pagkaraan dahil naman sa trangkaso. Hinamon naman ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos ang Malacañang na iharap sa publiko ang doktor ng Pangulo upang hindi ito matulad sa kanyang amang si dating Pangulong Marcos.
Sinabi ni Rep. Marcos na nagtiis ang kanilang pamilya na sa loob lamang ng Palasyo isagawa ang paggamot sa namayapang ama upang hindi mabunyag sa publiko ang sakit nito.
Bagaman sinasabing executive check-up lamang ang isinagawa sa Pangulo at Unang Ginoo, marami pa rin ang naghihinala na may ibang karamdaman ang Presidente. (Grace Dela Cruz, Lilia Tolentino at Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest