^

Bansa

Plunder vs Binay madaliin!

-
Pinamamadali ng "Save Makati Movement" sa Office of the Ombudsman ang P431 milyong kasong graft laban kay Makati City Mayor Jejomar Binay na may tatlong taon na umanong nakabinbin sa kabila ng solidong ebidensiya sa umano’y maanomalyang transaksiyon na pinasok nito.

Sinabi ni dating Makati City Councilor Oscar Ibay, convenor ng naturang grupo, na ang magiging aksiyon ng Ombudsman sa plunder case ang mag-aalis sa hinala ng mga taga-Makati na binibigyan ng special treatment si Binay at magpapatunay din na seryoso ang gobyerno sa kampanya nito na usigin ang mga suspected big time grafters at iligtas ang buwis na binayaran ng mga tao.

Ang kasong graft ay isinampa ng kalaban sa pulitika ni Binay na si dating Makati City Vice Mayor Roberto "Bobby" Brillante noong Agosto 20, 2003 sa Ombudsman kaugnay sa umano’y falsification of documents, overpricing at ghost deliveries ng P431 milyong halaga ng kagamitan, textbooks at trucks para sa Ospital ng Makati base na rin sa report ng Commission on Audit (COA).

Ngunit hanggang ngayon, ayon sa grupo ay mistulang natutulog ang naturang kaso, kung kaya’t mariin silang nanawagan sa Ombudsman na isampa na nila ito sa Sandiganbayan sa lalung madaling panahon. (Lordeth Bonilla)

AGOSTO

BINAY

LORDETH BONILLA

MAKATI

MAKATI CITY COUNCILOR OSCAR IBAY

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

MAKATI CITY VICE MAYOR ROBERTO

NGUNIT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SAVE MAKATI MOVEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with