Seguridad ni Honasan plantsado na
November 21, 2006 | 12:00am
Plantsado na ang ipagkakaloob na seguridad ng Philippine National Police para sa pagbasa ng sakdal kaugnay ng kasong kudeta laban sa detenidong si dating Sen. Gringo Honasan sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ngayong umaga.
Sinabi ni PNP-Public Information Office Deputy Chief, C/Insp. Nelvin Ricohermoso, may 50 police security escorts buhat sa Special Action Force, Police Regional Office 4-A at Criminal Investigation and Detection Group ang itatalagang magbantay kay Honasan sa pag-alis nito buhat sa detention center sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna bandang alas-7:00 ng umaga patungo sa korte ng Makati City bukod sa ipakakalat na mga security escorts sa bisinidad ng korte.
Si Honasan ay babasahan ng sakdal kaugnay ng kasong kudeta hinggil sa diumanoy pagiging utak nito sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003 na gaganapin sa sala ni Judge Cesar Sta Maria ng Makati City RTC Branch 145 at petition for custody ng PNP sa sala ni Judge Oscar Pimentel ng Makati-RTC Branch 148.
Kaugnay nito, kinumpirma naman ni DILG Sec. Ronaldo Puno na mahigpit na ipagbabawal ang media access kay Honasan para masiguro na hindi ito makakapagpakalat ng propaganda laban sa gobyerno partikular na ng isinusulong nitong kudeta.
Dahil dito, bawal ang anumang uri ng communication gadgets habang tanging pamilya na lamang nito ang papayagang makadalaw sa kaniyang detention center sa Fort Sto. Domingo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest