Junior officers di namin bini-brainwash PDSP
November 20, 2006 | 12:00am
Nanawagan ang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) sa ilang mambabatas na huwag maging paranoid sa pagsasabing ang nabanggit na grupo ang nag-iimpluwensiya sa mga junior officers para kalabanin ang gobyerno.
Ayon kay Fr. Romeo Intengan, pinuno ng PDSP na ang isinasagawang mga seminar sa mga junior officer ay hindi upang "i-brain wash" ang mga sundalo kundi upang ihanda lamang ang mga ito sa sitwasyon ng pambansang seguridad.
Aniya, ang papel ng AFP ay upang sugpuin ang makakaliwang grupo at tulungan ang pag-angat ng bansa at hindi ang manipulahin ang hanay ng militar.
Matatandaang pinaimbestigahan sa Kongreso nina Sen. Rodoldo Biazon at anak na si Rep.Ruffy Biazon ang mga seminars na umanoy iniimpluwensiyahan ang isip ng militar.
Sinabi ni Intengan na inisyatibo lamang ng Office of the National Security Advisers at ng Ateneo based Center for Strategic Studies kung saan may basbas pa ng military officials ang mga seminars.
Idinagdag pa nito na hindi sila komunista na nagre-recruit ng mga sundalo at naniniwala silang walang kinikilingan ang AFP at dapat na ring magbitiw ang mga sundalo kung nais ng mga ito na sumapi sa political party. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest