Gringo ikinulong na sa Laguna
November 18, 2006 | 12:00am
Kahit walang court order ay ikinulong na kahapon sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna si dating Senador Gringo Honasan matapos itong ilabas sa Asian Hospital sa Muntinlupa City.
Kinumpirma ng abogado ni Honasan na si Atty. Danilo Gutierrez na inilabas ng ospital ang kanyang kliyente pasado alas-5 ng hapon matapos bigyan ng clearance ni Dr. Francisco Altarejos, chief ng PNP General Hospital, na sa kulungan na lang ituloy ang paggamot sa pasyente.
Ikinatuwiran naman ni PNP-CIDG Chief Director Jesus Versoza na kailangang mailipat agad sa isang secure na kulungan si Honasan dahil sa isyu ng seguridad kaugnay ng posibilidad na itakas ito o mismong ang dating senador ang tumakas matapos bansagang "The Great Escape Artist."
Plano namang kuwestiyunin ni Atty. Gutierrez ang ginawang paglipat kay Honasan kahit hindi pa naaksiyunan ang mosyon ng CIDG na ilipat ito sa Fort Sto. Domingo.
Ide-detain si Honasan sa cottage na pinaglagakan kay dating Pangulong Estrada at dating ARMM Gov. Nur Misuari. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest