^

Bansa

Tipster ni Honasan instant millionaire!

-
Instant millionaire ang tipster ng naarestong puganteng si dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan na nasukol ng pinagsanib na operatiba ng pulisya at militar sa isang townhouse sa Green Meadows Subdivision, Quezon City kahapon ng umaga.

Ito ang tiniyak kahapon ni PNP Chief Director Gen. Oscar Calderon kaugnay ng pagkakasakote sa dating senador.

Si Honasan ay may patong sa ulong P5 milyon kaugnay ng diumano’y pagiging utak sa Hulyo 27, 2003 Oakwood mutiny at tangkang kudeta laban sa pamahalaan noong Pebrero 24.

Ayon kay Calderon, sa lalong madaling panahon ay iproproseso na nila ang reward ng nasabing tipster na nakatulong sa mga awtoridad sa pagkakabitag kay Honasan.

Gayunman, tumanggi naman ang opisyal na tukuyin ang pangalan ng instant millionaire para na rin sa seguridad nito.

Sinabi ni Calderon na maliban sa nasabing tipster ay mayroon pang ilang personalidad na bibigyan nila ng benepisyo dahilan sa naiambag ng mga ito sa tagumpay ng operasyon para mabitag si Honasan. (Joy Cantos )

vuukle comment

AYON

CHIEF DIRECTOR GEN

GAYUNMAN

GREEN MEADOWS SUBDIVISION

HONASAN

HULYO

JOY CANTOS

OSCAR CALDERON

QUEZON CITY

SENADOR GREGORIO

SI HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with