Sa isang panayam, sinabi ni Panganiban na hindi naman mandatory ang nasabing pagsusuri para sa mga aspirante na makapasok sa hudikatura. Ito umano ay isinasaad ng rule 6, section 2 ng Rules for the JBC.
Gayunman, tiniyak pa rin ni Panganiban na pag-uusapan pa nila ito sa en banc session ng JBC ngayong alas-11 ng umaga.
Kabilang din sa pag-uusapan ng JBC ang kahilingan ng Alternative Law Groups (ALG) na isalang sa isang public interview ng panel ng JBC si Santiago.
Ganito rin ang naging posisyon ng dalawa pang miyembro ng JBC na sina Sens. Francis "Kiko" Pangilinan at ret. Justice Raoul Victorino.
Inaasahang kukupirmahin ng JBC ang kanilang magiging desisyon sa isyu matapos ang sesyon. (Ludy Bermudo)