^

Bansa

Seguridad sa pagdating ni Atong Ang larga na

-
Plantsado na ang seguridad na ipatutupad ng National Bureau of Investigation (NBI) para maproteksiyunan si Charlie "Atong" Ang sa anumang uri ng asasinasyon sa pagbabalik nito sa Pilipinas bukas ng umaga mula sa Estados Unidos.

Kinumpirma ni Atty. Arnel Dalumpines, officer-in-charge ng NBI Special Task Force, ang ulat na may planong likidahin si Ang sa pagtuntong nito sa bansa. Isang alyas "Zubia" umano ang naatasang pumatay kay Ang. Inaalam na ng NBI ang pagkakakilanlan ng "hitman."

Mula NAIA ay idederetso si Ang sa NBI detention cell bago dalhin sa Sandiganbayan sa Quezon City.

Si Ang ay akusado sa pagbulsa umano ng P130 milyong tobacco excise tax at sangkot rin sa juetenggate scandal kasama si dating Pangulong Estrada.

May mga ulat naman na pumayag na umano si Ang na maging "state witness" ng pamahalaang Arroyo laban kay Erap. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARNEL DALUMPINES

ATONG

DANILO GARCIA

ESTADOS UNIDOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ESTRADA

QUEZON CITY

SI ANG

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with