^

Bansa

Lomibao itinutulak sa DND: Pagbibitiw ni Cruz tinanggap na ni GMA

-
Tinanggap na ni Pangulong Arroyo ang irrevocable resignation ni Defense Secretary Avelino Cruz na epektibo sa Nobyembre 30. Wala pang kapalit si Cruz sa puwesto pero ang Pangulo muna ang acting secretary na ginawa rin niya noong magbitiw sa puwesto si dating Defense chief Angelo Reyes noong 2002.

Samantala, pinabulaanan naman ni Defense Undersec. Rodel Cruz ang napaulat na may plano si Cruz na pumasok sa senatorial line-up ng kampo ni dating Pangulong Estrada.

Ayon kay Undersecretary Cruz, maaari umanong may mga nang-iintriga lamang sa kalihim upang palitawin na may panloob na hidwaang nagaganap sa hanay ng Gabinete.

Mananatili anyang isang "trusted ally" at adviser ng Pangulo si Cruz at walang bahid ng hinanakit laban sa pamahalaang Arroyo ang pagbibitiw nito sa puwesto.

Kaugnay nito, itinutulak naman ng ilang military at police officials si dating Philippine National Police (PNP) chief at kasalukuyang National Irrigation Administration (NIA) Secretary Arturo Lomibao bilang kapalit ng nagbitiw na si Cruz.

Ayon sa source, kuwalipikado si Lomibao sa puwesto dahil sa magandang track record nito at mahusay na pamumuno sa panahon ng kanyang termino sa PNP. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)

ANGELO REYES

AYON

CRUZ

DEFENSE SECRETARY AVELINO CRUZ

DEFENSE UNDERSEC

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with