^

Bansa

Mayor, sabit sa pagpatay sa 5 sibilyan

-
CAMP CRAME — Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay ang isang alkalde ng bayan ng Banisilan, Cotabato makaraang isangkot sa pagpatay sa limang sibilyan noong Huwebes sa Barangay Poblacion sa bayang nabanggit.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, isinuko ni North Cotabato Governor Emmanuel Piñol ang suspek na si Banisilan Mayor Floro Allado kay P/Supt. Marcelo Pintac, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa North Cotabato.

Pormal namang sinampahan ng kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder ang nasabing alkalde kaugnay sa pamamaslang sa limang sibilyang lulan ng trak patungong bayan ng Banisilan para maghatid ng bigas. Bukod kay Mayor Allado, sinibak din ang buong hanay ng kapulisan kabilang na si PO2 Dindo Seralde sa bayang nabanggit at isinailalim sa kustodiya ng Kidapawan City police station.

Base naunang ulat ni Police Insp. Abraham Dandan, hepe ng pulisya sa bayan ng Banisilan, pinagbabaril ng grupo ni Mayor Allado ang hauler truck ng mga biktima at si Arneli Apas lamang ang nakaligtas. (Angie dela Cruz)

ABRAHAM DANDAN

ARNELI APAS

BANISILAN

BANISILAN MAYOR FLORO ALLADO

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DINDO SERALDE

KIDAPAWAN CITY

MARCELO PINTAC

MAYOR ALLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with