Erap, pinayagang bumisita sa ina

Pinagbigyan kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan ni dating Pangulong Joseph Estrada na madalaw ang kanyang may sakit na inang si Doña Mary Ejercito sa tahanan nito sa Greenhills, San Juan. Pero sinabi ng korte na kailangang magsampa ng mosyon ni Estrada tuwing nais nitong lumabas sa kanyang villa sa Tanay, Rizal upang bisitahin ang 102- anyos na ina at tukuyin ang eksaktong petsa at oras.

Sa mosyon kasi ni Estrada, tuwing Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng hapon ang nais niyang pagbisita sa kanyang ina. Mayroon umanong abdominal aortic aneurysm si Doña Mary at sa nakalipas na tatlong taon ay pabalik-balik ito sa ospital. (Malou Escudero)

Show comments