Piloto ng Air Force kulong sa pagsa-sideline

Isang junior officer ng Philippine Air Force ang ikinulong dahil sa pagtakas sa kanyang tungkulin para lamang mag-moonlighting o mag-sideline bilang commercial jet pilot.

Sinabi ni Maj. Augusto dela Peña, spokesman ng PAF, si Capt. Roberto Solis ay isinailalim sa custody ng commander ng 520th Air Base wing sa Villamor Airbase.

Si Solis ay lilitisin sa kasong Articles of War (AW) 97 o conduct prejudicial to good order and military discipline.

"He (Solis) hasn’t resigned, yet he is working outside," paliwanag ni dela Peña.

Huling assignment ni Solis ay ang 205th Helicopter Wing bago ito nag-AWOL noong Sept. 20, 2005 kung saan matapos ito ay nakatanggap ng impormasyon ang PAF na nagta-trabaho na ito bilang piloto sa isang commercial airlines.

Nabatid na nagsumite si Solis ng resignation pero ibinasura ito ng PAF Adjutant dahil sa kakulangan ng clearance. (Joy Cantos)

Show comments