^

Bansa

Validity ng PhilHealth cards gustong palawigin

-
Upang mas maging kapaki-pakinabang sa mga miyembro, hiniling kahapon ng isang mambabatas na palawigin o i-extend ang validity ng PhilHealth cards sa dalawang taon mula sa isang taon lamang.

Ito ang naging panawagan ni Davao Oriental Rep. Joel Almario kay Pangulong Arroyo at sa pamunuan ng Philippine Health Insurance Corp. upang ma-maximize ang benepisyo nito ng mga miyembro.

Sinabi pa ng mambabatas na makakatulong din ito sa mga aplikante ng PhilHealth cards dala na rin sa pinagdadaanan nitong proseso sa pag-a-apply ng card.

Kumakain aniya ng panahon ang pagkuha ng PhilHealth cards dahil na rin sa pre-qualifying, documenting, printing at issuance ng cards at dissemination ng information sa mga miyembro.

Sa panahon na makuha na ng mga miyembro ang kanilang cards ay anim na buwan na ang nakalipas at anim na buwan na lamang ang natitira para magamit nila ito.

Ayon kay Almario, pagkatapos nito ay dadaan muli ang mga miyembro sa proseso habang ang mga accredited hospitals ay mahihirapan din sa madalas at metikulosong pagtse-check kung aktibo pa ang card ng pasyente.

Naniniwala ang mambabatas na ang pagkakaroon ng 2-year card ay makakapang-engganyo ng mga miyembro at mas malawak na base sa mga accredited hospitals.

Idinagdag nito na mas makakatipid pa rito ang pamahalaan dahil hindi taunan ang pagbabago sa card kundi kada dalawang taon pa. (Malou Escudero)

ALMARIO

AYON

DAVAO ORIENTAL REP

IDINAGDAG

JOEL ALMARIO

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with