^

Bansa

71 Tsinoy na ang nakikidnap ngayong 2006

-
Taliwas sa ulat ng Philippine National Police na bumababa ang kaso ng kidnap-for-ransom (KFR), ibinunyag kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na nasa 71 kaso na ng Filipino-Chinese ang nakikidnap at P23 milyon ransom ang nabayaran.

Ibinase ni Marcos ang kanyang pagbubunyag sa October 2006 official report ng Citizens Action Against Crime (CAAC) at Movement for Restoration of Peace and Order.

Sinabi ni Marcos na nakakabahala ang ulat ng CAAC, ang anti-crime watchdog na pinamumunuan ni Teresita Ang-See.

Maliwanag aniya na isinantabi na ng administrasyon ang all-out war laban sa KFR syndicates kaya marami na namang nabibiktimang mga Filipino Chinese lalo na sa Metro Manila at Mindanao.

Noon lang nakaraang linggo, ipinagmalaki ni PNP Dir. Gen. Oscar Calderon na bumaba ang street crimes sa Metro Manila at ang kaso ng kidnapping ay nabawasan ng 50 porsiyento. Pero sinabi ni Marcos na sa Metro Manila pa rin may pinakamaraming insidente ng kidnapping kung saan 28 kaso ang napaulat. (Malou Escudero)

CITIZENS ACTION AGAINST CRIME

FILIPINO CHINESE

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

MALOU ESCUDERO

METRO MANILA

OSCAR CALDERON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RESTORATION OF PEACE AND ORDER

TERESITA ANG-SEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with