Lingguhang pagbisita kay Doña Mary hiling ni Erap
October 19, 2006 | 12:00am
Lumalala na umano ang kondisyon ni Doña Mary kaya hiniling ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Sandiganbayan Special Division na payagan siyang mabisita ng lingguhan ang kanyang maysakit na ina.
Isinumite ni Atty. Rene Saguisag ang dalawang pahinang mosyon kung saan sinabi nitong nais ng kanyang kliyente na makasama ang ina sa natitirang panahon ng kanyang buhay kaya hiniling nito magtungo sa tahanan ni Doña Mary sa Greenhills, San Juan.
Inamin ni Dr. Lorenzo Hocson, doktor ng pamilya Estrada na lumalala ang kondisyon ni Doña Mary na tatlong taon nang labas-pasok sa ospital dahil sa pneumonia.
"For the past three years, she has been in and out of the hospital because of recurrent bouts of pneumonia, the latest of which was August 11, 2006," ani Hocson.
Sa kasalukuyan aniya ay "bedridden" na si Doña Mary na posible pang magkaroon ng abdominal aneurysm.
"Lastly there is always the imminent risk of rupture of the Abdominal Aneurysm which is invariably would be fatal," pahayag ni Hocson.
Nais ng dating pangulo na makalabas siya ng kanyang villa sa Tanay, Rizal tuwing Biyernes ng gabi upang magtungo sa bahay ng kanyang ina sa San Juan at muling babalik sa Tanay tuwing Linggo ng hapon. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest