AFP ‘di na gagamitin sa eleksiyon

Hihiwalay na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa eleksiyon simula sa darating na 2007 Synchronized Election upang maiwasan na muling masangkot sa dayaan ang military tulad ng Hello Garci scandal.

Sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng mga opisyal ng Comelec at Department of National Defense (DND, hindi na gagamitin ng Comelec ang mga sasakyan ng military sa pagdadala ng mga ballot boxes at election paraphernalias.

Mangongontrata na lamang ang Comelec ng mga sasakyan mula sa pribadong kompanya at hindi na rin gagamitin ang mga military camps sa pagsasagawa ng bilangan at canvassing.

Nabatid na ang magiging papel na lamang ng AFP sa panahon ng halalan ay ang magbigay ng pangkalahatang seguridad sa mga critical areas, pagbabantay sa checkpoints at pagpapatupad ng gun ban. (Gemma Garcia)

Show comments