^

Bansa

Walang Pinoy sa plane crash sa NY

-
Walang napahamak na Pinoy na nagtatrabaho sa isang 52-palapag na gusali na sinalpok ng isang eroplano sa Manhattan’s Upper East Side sa New York.

Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo na agad nakipag-ugnayan sa Philippine Nurses Association sa New York matapos ang pagbagsak ng eroplano.

Ayon kay RP Ambassador to UN Lauro Baja, anim na bloke lamang ang layo ng embahada ng Pilipinas sa pinagbagsakan ng single-engine na eroplano sa 72nd Street kung saan ay apat na katao ang sinasabing nasawi sa aksidente, kabilang ang piloto na New York Yankees pitcher na si Cory Lidle at may-ari ng eroplano.

Noong una ay pinaghinalaang ‘terroristics attack’ ang nangyari ngunit kalaunan ay napag-alamang isang aksidente.

Sinasabing galing ng Teterboro Airport sa New Jersey, malapit sa Manhattan ang eroplano at nagawa pa nitong umikot sa Statue of Liberty nang bigla umanong magka-problema sa makina. (Mer Layson)

CORY LIDLE

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERTO ROMULO

LAURO BAJA

MER LAYSON

NEW JERSEY

NEW YORK

NEW YORK YANKEES

PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION

STATUE OF LIBERTY

TETERBORO AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with