5 Magdalo officers tinanggalan na ng sahod
October 6, 2006 | 12:00am
Ipinatigil na ang buwanang suweldo at allowance ng limang junior officers na naglunsad ng Oakwood mutiny.
Kinumpirma ni AFP Public Information Office Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro Jr. na inaprubahan na ni Pangulong Arroyo ang pagputol sa suweldo at benepisyo nina Marine Capt. Nicanor Faeldon at Army 1st Lts. Lawrence San Juan, Sonny Sarmiento, Patricio Bumidang at Capt. Nathaniel Rabonza.
Magugunita na matapos masangkot sa pag-aaklas noong Hulyo 27, 2003 ay inirekomenda ni dating AFP Chief Gen. Narciso Abaya na alisan ng sahod at allowances ang 300 officers at junior officers na kasali sa bigong kudeta.
Nabuhay ang panukala matapos masakote ang mga pumugang junior officers.
Nabatid na ang isang Captain ay tumatanggap ng P24,804 buwanang basic pay at allowances habang ang First Lt. ay P22,113. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended