^

Bansa

Ubos na ang pera ko — Erap

EXCLUSIVE - Lilia Tolentino -
"Wala na akong account".

Ito ang tahasang sinabi ni dating Pangulong Erap Estrada kay Presidential chief of staff Mike Defensor kaugnay sa planong i-freeze ang kanyang account.

Ibinunyag ni Sec. Defensor sa PSN at Philippine Star na sinita siya ni Erap ng bisitahin niya ito noong Huwebes sa resthouse nito sa Tanay, Rizal habang rumaragasa ang bagyong Milenyo.

"Ang sabi niya sa akin, Mr. Secretary, why are you talking about freezing my accounts. I have no more accounts," sabi daw ni Estrada kay Defensor.

Ipinaliwanag ng presidential chief of staff, na ito lamang ang kanilang naging reaksyon sa isang intelligence report na nakarating sa Palasyo.

Naantig naman ang damdamin ni Defensor sa sinabi sa kanya ng dating Pangulo na 5 taon at 5 buwan na siya sa resthouse arrest subalit hindi pa naman siya napapatunayang nagkasala.

Ipinakita naman ni Erap kay Defensor ang ipinagawa nitong museo sa loob ng Tanay resthouse mula sa pagiging alkalde ng San Juan hanggang sa mapatalsik ito bilang chief executive.

Biniro naman ni Defensor si Erap na dapat idagdag sa museo ang section para sa kanyang paglaya.

Ipinagmalaki pa ni Erap kay Defensor na ang mga taong nasa likod para patalsikin siya noon ay mga kaibigan na niya ngayon.

Nakita din ng presidential chief of staff na hindi nakaligtas sa hagupit ni Milenyo ang mga tanim sa loob ng resthouse ni Erap sa Tanay.

BINIRO

DEFENSOR

ERAP

MIKE DEFENSOR

MILENYO

MR. SECRETARY

PANGULONG ERAP ESTRADA

PHILIPPINE STAR

SAN JUAN

TANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with