Legal ang Peoples Initiative Sigaw
October 1, 2006 | 12:00am
Sa gitna ng mga balitang iligal ang pagsasagawa ng Peoples Initiative para sa pagbabago ng Saligang Batas, pinagmatigasan pa rin ng mga lider ng Sigaw ng Bayan na ang kanilang ginawang pagkalap ng mga lagda ay nakapaloob sa ligal na proseso sa ilalim ng batas.
Ayon kay Sigaw secretary general Efren de Luna, bumiyahe siya sa malalayong lugar ng ibat ibat rehiyon upang isulong at ilahad ang mga benepisyo ng Charter change at sa katunayan ay tinanggap ng bukas-palad ng lahat ng mga dinalaw niyang barangay sa buong bansa.
"Hindi nila ako kilala subalit nang magsimula akong magsalita tungkol sa kagandahan ng gobyernong unicameral at parliamentary, naging interesado ang lahat para magtanong ukol dito," pahayag ni de Luna, presidente rin ng national transpost group na PCDO-ACTO.
"Sawang-sawa na ang tao sa probinsya sa sobrang politika, puro away na lang ang nababasa at naririnig nila sa diyaryo at radyo," tinukoy pa nito.
Ayon naman kay Adel Lazaro ng Akbay Pinoy, ang ginawang pananakot nina Makati City Mayor Jejomar Binay sa kanyang grupo nang silay nangangalap ng lagda sa nasabing lungsod ay malinaw na paglabag sa kanilang karapatan gayundin sa batas.
"Butas ng karayom ang dinaanan namin sa Makati pero nagpatuloy pa rin kami. Napatunayan namin na marami sa mga taga-Makati ang sumusuporta sa Chacha," ani Lazaro.
Sinabi rin ni Zeny Gonzales, secretary general ng Kilusan ng Mamamayan sa Matatag na Republika (KMMR) na siya mismoy nagpunta sa mga kabundukan ng Cordillera at nakipag-usap sa mga tribo sa Kalinga at Apayao.
"Nakinig sila dahil nais nilang marinig ang tinig ng mga tunay na tao at hindi mga politiko na dumadalaw lamang sa kanila kapag eleksyon na kung saan kailangan ang kanilang mga boto," pinunto ni Gonzales.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest