Plan B ilalatag ni JDV
September 28, 2006 | 12:00am
Ngayon pa lang ay may nakahanda nang plano ang mga pro-Charter change solons kung saan gagamitin nila ang "Plan B" sakaling ibasura ng Supreme Court ang peoples initiative petition na inihain ng mga Chacha advocates.
Ayon kay Speaker Jose de Venecia, ang kanilang plan B ay kinabibilangan ng Constituent Assembly (Con-Ass) approach at joint session ng mga Senador at Congressmen.
Sinabi ni Majority Leader Prospero Nograles na ang debate sa pag-convene ng Kongreso sa isang Con-Ass ay itinakda na matapos na aprubahan ang committee report ng resolusyon na inaasahang matatapos sa October 12.
Niliwanag naman ni de Venecia na hindi na kailangan pang aprubahan ng Senado ang panukalang amendments hanggang may makakalap na three-fourths ang bilang ng mga kongresista o 196 mambabatas ang umapruba dito.
Naniniwala naman sina Sens. Franklin Drilon at Joker Arroyo na kulang na sa panahon ang mga kongresista upang pagtibayin ang pagbuo ng Con-Ass.
Malabo anilang umusad ang Con-Ass dahil hindi papayag ang Senado sa sistemang ito ng pagsusog ng Konstituyon.
Kung ipipilit ng Kamara na itulak ang Con-Ass na hindi na kakailanganin ang boto ng Senado, tiyak na aakyat na naman sa SC ang usaping ito.
Hanggang Disyembre ang sesyon ng Kongreso dahil sa susunod na taon ay mangangampanya na ang mga ito para sa kanilang reeleksiyon kaya wala na silang panahon para talakayin ang resolusyon sa Chacha. (Malou Escudero/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended