^

Bansa

Pagtugis sa Sayyaf tuloy kahit Ramadan

-
Siniguro ni AFP chief of staff Hermogenes Esperon na tuloy pa rin ang pagtugis sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kahit buwan ito ng Ramadan.

Sinabi ni Gen. Esperon, hindi hadlang ang Ramadan para tugisin ng pamahalaan ang mga miyembro ng ASG na posibleng magsamantala pa nga sa sitwasyon.

Aniya, iginagalang ng AFP ang Ramadan ng mga kapatid nating Muslim subalit hindi ito hudyat para itigil ang pagtugis sa mga kalaban ng gobyerno partikular ang ASG.

Nanumpa si Esperon sa Palasyo kasama ang ibang opisyal ng AFP kahit hindi pa ito nakakapasa sa nominasyon ng Commission on Appointments (CA).

Nilinaw naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi si Esperon ang unang chief of staff ng AFP na nanumpa sa tungkulin pero hindi pa nakukumpirma ng CA.

Aniya, si dating AFP chief Lisandro Abadia ay nanumpa noon bilang AFP chief of staff sa ranggong 2 star kahit hindi pa pasado sa CA. (LTolentino)

ABU SAYYAF GROUP

AFP

ANIYA

ESPERON

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

HERMOGENES ESPERON

LISANDRO ABADIA

NANUMPA

NILINAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with