Pinas kapos sa magagaling na seaman
September 25, 2006 | 12:00am
Pinangangambahang tuluyang maubos na ang magagaling na mga "seafarer" dahil sa kakapusan ng mga "highly skilled" na mga opisyal. Sinabi ni Labor Undersec. Danilo Cruz na nakakaranas ngayon ang maritime industry ng kakapusan ng suplay ng maritime officers sa kabila ng napakarami ngayong maritime school.
Itoy dahil umano sa pagtanggi ng mga estudyante na kumuha ng apat na taong kurso sa marine engineering at sa halip ay ang dalawang taon na "associate courses" na lamang ang inaaral upang mabilis na makapagtrabaho sa barko. Sa research ng National Maritime Polytechnic (NMP), pagkakakitaan lamang ang pakay ng mga Pinoy sa pagiging seaman at hindi ang pag-angat ng kanilang career. 30% ng suplay ng mga seaman ang nanggagaling sa Pilipinas ngunit 14% lamang ang "senior officers".
Ibig sabihin, mga ordinaryong empleyado sa mga dayuhang barko o mga utusan lamang ang mga Pinoy seaman. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended