Pagbuwag sa Senado, giit ng Socdem
September 22, 2006 | 12:00am
Makalipas ang isang taon matapos na ikulong ng Senado si National Security Adviser Norberto Gonzales, muling nanawagan ang mga social democrats upang tuluyan nang buwagin ang Mataas na Kapulungan.
Kahapon ay hiniling ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) chair Camilo Sabio ang abolisyon ng Senado matapos ang ipinakitang pagyayabang ng mga mambabatas. Si Sabio ay na-contempt ng Senado at ikinulong.
Umaabot sa 200 miyembro ng Aksyon Sambayanan, ang nagsagawa ng rally sa Senado dala ang mga placard na nagsasaad ng "Bastos na Senado, buwagin!"
Ang nasabing demonstrasyon ay pagpapakita ng suporta sa PCGG chair at paggunita sa unang taong anibersaryo ng pagkakaditine ni Gonzales, ang founding chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended