Ayon kay Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales, lumikha ng panic ang ipinalabas na "findings" ng DOH kaugnay sa pagkakaroon umano ng mataas na antas ng toxic fumes dala ng oil spill sa Guimaras na kung paniniwalaan ay dapat nauubos na ang mga tao sa apektadong barangay.
Sa findings ng DoH at UP National Poison Management and Control Center, umaabot ang hydrogen sulfide ng hangin sa bayan ng Cabalagnan sa 537.9 hanggang 2,145 parts per million (ppm) samantalang 13.2 hanggang 165 ppm naman sa La Paz.
Pinanindigan ni Rosales na dapat ay patay na ang mga nagsagawa nang pagsasaliksik at mga residente sa mga barangay Cabalagnan, La Paz, at Tando dahil hanggang 100 ppm level lamang ang pinapayagan sa ilalim ng Immediate Danger to Life and Health (IDHL).
Sinabi ni Rosales na dapat na magsagawa nang pagrerebyu ang mga eksperto sa ginawang ebalwasyon. (Malou Escudero)