^

Bansa

Kampanya sa Iwas Dengue nag ikot na

-
Sinimulan na ng lungsod ng Caloocan ang pag-iikot upang ikampanya ang programang Iwas Kiti-kiti, Iwas Dengue. Ayon kay Mayor Enrico "Recom" Echiverri, ang programa ay magsisimula ngayong araw na pasisimulan sa isang motorcade upang ipaalam sa mga residente na isa sa pag-iwas sa sakit na dengue ang paglilinis ng buong kapaligiran upang maalis ang pinaglulunggaan ng mga lamok na may dala ng mikrobyo ng nasabing sakit.

Aniya, kabilang sa programa ay ang patuloy paglilinis sa lahat ng barangay sa lungsod, pag-trap sa mga lamok, pamimigay ng information and educational materials at paglalagay ng iba pang pangontrol sa pagdami ng lamok sa mga kanal at estero.

Sinabi rin ng alkalde, ang fogging operation ay hindi solusyon sa pagpuksa sa dengue dahil itinataboy lamang nito ang mga lamok na may dalang dengue sa halip na patayin ang mga ito upang hindi na makapaminsala.

Ang tagumpay ng programa ay nakasalalay sa mga makikipagtulungan na residente ng lungsod.

Ang dengue ay isang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na gumagala sa umaga. Ilan din sa mga sintomas ng sakit na dengue ay ang pagsakit ng ulo, pananakit ng katawan at kasu-kasuan, pagkakaroon ng mapupulang butlig sa katawan at pagdurugo ng ilong at ngala-ngala.

ANIYA

AYON

CALOOCAN

DENGUE

ECHIVERRI

ILAN

IWAS DENGUE

IWAS KITI

MAYOR ENRICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with