Sunud-sunod na rollback!
September 15, 2006 | 12:00am
Makakaasa ang publiko ng sunud-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa mga darating na araw dahil sa pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan, ayon sa Department of Energy (DoE).
Sinabi ni DOE Director Zenaida Monsada na ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market nitong buwan ng Agosto at Setyembre ay magandang senyales na may sapat na supply ng langis at makaasang walang pagtataas na magaganap sa Disyembre kung saan malakas ang demand sa buong mundo.
Una nang sinabi ni Consumer and Oil Price watch Chairman Raul Concepcion na magkakaroon ng serye ng rollback sa presyo ng langis bunga na rin ng naging desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa Vienna na taasan ang pinoproduce na langis kahit pa man mababa pa sa kasalukuyan ang demand para dito. Sinabi ni Concepcion na kung mananatili ang quota ng OPEC sa 28 million per barrel/a day ay hindi malayong umabot at bumaba sa $50 hanggang $55 per barrel ang presyo ng langis sa world market.
Sa ngayon ay nanatili pa ring mataas ang presyo ng LPG ngunit inaasahan din na bababa sa mga susunod na buwan bagamat wala pang aasahang rollback dito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest