Sabio igigisa
September 14, 2006 | 12:00am
Gigisahin ngayon ng Senado ang inarestong si Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman Camilo Sabio sa isasagawang imbestigasyon hinggil sa Philcomsat isyu.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng committee on government corporations and public enterprise, haharap ngayon si Sabio sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, pero sakaling hindi magiging maganda ang kondisyon nito dahil sa pabago-bago nitong blood pressure ay walang tutol ang mga miyembro ng komite kapag inirekomendang dalhin ito sa ospital.
Pero kahit na ilipat sa ospital si Sabio, itutuloy pa rin ng Senado ang pagkalkal sa iba pang isyu sa Philcomsat tulad ng natuklasang dokumento kung saan ay tumanggap ng isang Toyota Camry luxury car si PCGG Comm. Ricardo Abcede mula sa Philcomsat Holdings Corp. (PHC).
Lumalabas na tinanggap ni Abcede ang Camry na nagkakahalaga ng P1,594,500 na binayaran ng PHC sa Toyota Makati. Dalawa pa umanong opisyal ng PCGG ang tumanggap din ng kotse mula sa PHC.
Ipinaliwanag pa ni Gordon, kahit dumalo si Sabio sa pagdinig ngayon ng komite pero hindi naman nito sasagutin ang mga katanungan ng mga miyembro ay walang katiyakan kung mapapalaya na siya mula sa detensyon.
Iminungkahi rin ng senador na buwagin na lamang ang PCGG.
Kasabay nito, hinamon din ng mambabatas si Abcede at 3 pang opisyal ng PCGG na magpakalalaki at humarap sa isasagawang pagdinig kung talagang hindi nagtatago ang mga ito.
Sinabi ni Gordon na sandaling malaman nila ang pinagtataguan ni Abcede at iba pang mga "wanted" na opisyal ay isisilbi nila dito ang arrest warrant na inisyu ng Senado. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest