Tax evasion sinisilip sa may-ari ng lumubog barko sa Guimaras
September 12, 2006 | 12:00am
Posibleng hindi daw nagbabayad ng tamang buwis ang Sunshine Maritime Corp. na may-ari ng lumubog na MT/Solar 1 na nagdulot naman ng malawakang oil spill sa Guimaras Island at karatig na mga lugar nitong nakaraang buwan.
Ayon kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng senate committee in finance, malaki ang kanyang paniniwala na hindi nagdedeklara ng tamang buwis ang pamunuan nito bunga na rin na walang maipakitang papel ang mga ito sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite kahapon.
Hindi sumipot ang may-ari nitong si Clemente Cancio sa ikalawang pagkakataon, bunsod para magkaroon ng pagdududa si Drilon na nagtatago na ito.
Bukod kay Cancio, hindi rin sumipot ang accountant ng kumpanya para magbigay linaw hinggil sa kanilang mga assets ang liabilities para matukoy kung may kakayahan silang magbayad sa kanilang napinsala.
Tanging ang Corporate Secretary nito na si Gregorio Flores ang dumalo sa pagdinig ng pinagsamang komite ni Drilon at ang Senate Committee on Environment and Natural Resources naman ni Sen. Pia Cayetano. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended