Principal 2 beses nagpakasal, sinuspinde ng SC
September 11, 2006 | 12:00am
Sinuspinde ng apat na taon ng Korte Suprema ang isang abogadong school principal na napatunayang dalawang ulit nagpakasal sa magka-ibang babae at pagno-notaryo ng mga dokumento kahit paso na ang lisensiya nito.
Sa kautusan ng Korte Suprema, nagkasala ng imoralidad ang principal ng St. Louis University-Laboratory High School, sa Baguio City na si Atty. Rolando dela Cruz.
Inamin naman sa Korte ni dela Cruz ang mga reklamong idinulog ng mga guro at tauhan ng nasabing paaralan laban sa kanya, dahilan para patawan siya ng mas mababang parusa sa halip na ma-disbar.
Sa rekord, si dela Cruz ay unang nakasal kay Teresita Rivera at muling nakasal kay Mary Jane Pascua. Bukod pa rito ay nag-notaryo ito ng 14 pirasong dokumento kahit expired na ang kanyang commission bilang notary public.
Hindi umano maaaring idahilan ni dela Cruz na hindi niya alam ang batas nang pakasalan si Pascua dahil abogado na ito nang mga panahong nagpakasal siya kay Pascua.
Aminado rin ang Mataas na Hukuman na ang pagpapakumbaba ni dela Cruz at boluntaryong pag-amin sa mga pagkakasala ang naging dahilan upang bigyan ng konsiderasyon ang nasabing abogado na hindi mapatawan ng mas mabigat na parusa. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended