^

Bansa

Grand Coalition pinaplantsa na

-
Binubuo na ng Wednesday bloc at opposition bloc sa Senado ang Grand Coalition sa layunin na makamit ang 12-0 sa 2007 senatorial elections.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nagkakaroon na sila ng direct negotiation para magkasama sa iisang tiket ang mga independent senators na kaanib ng Wednesday bloc at ang opposition bloc sa Senado. "Seryoso naming kino-consider yung grand coalition na pantapat doon sa administrasyon," anang senador.

Ang Wednesday bloc sa Senado ay kinabibilangan nina Senate President Manuel Villar, Senate Majority Leader Francis Pangilinan, Sens. Ralph Recto at Joker Arroyo.

Bagamat mga kandidato sila ni Pangulong Arroyo noong 2001 senatorial elections sa ilalim ng People Power Coalition o PPC, ayaw na umano nilang kumandidato muli sa ilalim ng administration party dahil sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ng Pangulo.

Kapag nabuo ang grand coalition, hindi malayong mabokya ng koalisyon ang mga kandidato ng administrasyon dahil na rin sa lumabas na survey ng Pulse Asia na ang pinakamalakas na kandidato ng administrasyon na si Presidential Chief of Staff Mike Defensor ay nasa pang-16 na puwesto lamang.

Sinabi naman ni Lacson na baka sa Oktubre pa siya makapagdesisyon kung tatakbo sa senatorial elections o sa pagka-alkalde ng Maynila. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANG WEDNESDAY

GRAND COALITION

JOKER ARROYO

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

PEOPLE POWER COALITION

PRESIDENTIAL CHIEF OF STAFF MIKE DEFENSOR

PULSE ASIA

RALPH RECTO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with