Uubusin namin ang Sayyaf!
September 7, 2006 | 12:00am
"Tuloy ang laban, uubusin namin silang lahat (Abu Sayyaf)!"
Ito ang buong tapang na pahayag sa mediamen ni 3rd Marine Brigade Commander 2nd Lt. Romulo Dimayuga, kabilang sa 19 nasugatang sundalo sa pakikipagbakbakan sa tinatayang 200 bandidong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu noong Lunes.
Sa panayam dito sa ward ng AFP Medical Center sa Quezon City, sinabi ni Dimayuga na nagpapagaling lamang sila ng kaniyang mga kasamahan sa 3rd Marine Brigade at sa oras na magaling na ang kanilang sugat ay agad silang babalik sa Sulu upang tuluyang pulbusin ang grupo ni ASG chieftain Khadaffy Janjalani.
Si Dimayuga ay tinamaan ng bala ng M-16 riffe sa tiyan. Sa nasabing sagupaan na pinamunuan mismo ni Dimayuga ay anim sa kanyang mga tauhan ang napaslang habang 19 pa ang nasugatan sa kabuuang 27 tropa na lumusob sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay Dimayuga, may tatlong oras silang nakipagsagupa sa mga bandido bago dumating ang reinforcement mula sa kanilang mga kasamahan sa Marines at Army na siyang nagtaboy sa grupo ni Janjalani.
Sinabi nito na noong una ay may 40 bandido ang kanilang natisod habang nagkukumpul-kumpol sa kagubatan ng bayan ng Patikul at ng sagupain nila ang mga ito ay biglang nagdatingan ang reinforcement ng mga ito kung saan tinatayang umabot sa 200 ang kanilang nakabakbakan.
Sa kabila nito ay kinumander ni Dimayuga ang kanyang tropa na naghagis ng granada sa mga kalaban at tinatayang 30 bandido ang napatay. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am