Sa direktiba ng Pangulo, sinabi nito kay Gonzalez na siguruhing hindi magkakaroon ng butas ang kasong isasampa laban kay Clemente Cancio, presidente ng Sunshine Maritime Devt Corp. na may-ari ng MT Solar 1 at sa kapitan ng barkong si Norberto Aguro.
Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, nais ng Pangulo na mabibigyang katarungan ang trahedyang naganap sa Guimaras, ang pinakamatinding oil spill sa kasaysayan ng bansa.
Ayon sa ulat, kasong kriminal at sibil ang isinampa laban sa Solar 1 gayundin sa Petron Corp. dahil ito ang may-ari ng bunker fuel na lulan sa Solar 1 nang ito ay lumubog noong Agosto 11.
Kasabay nito ay inatasan din ng Pangulo ang mga ROTC cadets at mga college students sa Negros at Panay na tumulong sa paglilinis ng oil spill sa Guimaras.
Sinabi ng Pangulo na ang pagtulong ng mga mag-aaral sa paglilinis ng karagatan ng Guimaras ay magiging bahagi ng kanilang community service.
Hiningi rin ng Pangulo sa Petron at kinauukulang mga ahensiya ng gobyerno na doblehin ang bilang ng mga taong nagtutulong-tulong sa paglilinis.