Ayon kay Defense Secretary at National Disaster Coordinating Council (NDCC) Chairman Avelino Cruz Jr., kasalukuyan na nilang pinag-aaralan kung ang asunto ay ihaharap ng bawat isang indibidwal o bilang grupo sa International Oil Pollution Compensation (IOPC), ang organisasyon ng mga oil companies ng 190 bansa.
"The insurance covers main types of damages, property damages, cleanup operations, preventive measures, losses in fisheries, aquaculture and tourism including consequential losses and pure economic losses," ani Cruz.
Inihalimbawa pa ni Cruz na kung ang isang beach resort ay apektado ng oil spill ay maaaring magdemand ng lugi sa IOPC ang may-ari nito sa kabuuang kita ng kanyang negosyo sa panahon ng pananalasa ng kalamidad.
Nabatid pa na ang palugit para makapagsumite ng claims ay 6 taon simula ng maganap ang oil spill. (Joy Cantos)