P20-M pondo para sa comfort women itinulak sa Kongreso
September 3, 2006 | 12:00am
Bilang tulong sa mga nabubuhay pang Filipina na naging biktima ng sexual slavery noong panahon ng Hapon, isinulong ng isang mambabatas ang paglalaan ng P20 milyon pondo para sa mga ito.
Ayon kay Parañaque Rep. Eduardo Zialcita, bagaman at hindi sapat ang nasabing halaga para mabigyan ng hustisya ang mga nabubuhay pang comfort women, malaking tulong na rin ito para sa mga lola na nakaranas nang pang-aabuso noong panahon ng Hapon.
Aminado si Zialcita na lumang isyu na ang tungkol sa mga comfort women pero hanggang ngayon aniya ay hindi pa naman nakakamit ng mga "lola" ang katarungan.
Labing-apat na taon na aniya ang nakakaraan simula nang lumantad si Lola Rosa Henson upang isiwalat ang kanyang masaklap na karanasan noong panahon ng Hapon pero kahit isang resolusyon ay wala pang naipapasa ang Kongreso kaugnay sa mga comfort women.
Hanggang ngayon aniya ay wala pa ring natatanggap na public apology mula sa Japanese government ang mga Pinay comfort women gayong nangangamatay na ang karamihan sa mga ito.
Nais din ni Zialcita na tingnan ng Kongreso ang posibilidad na pagbibigay ng health, medical at burial assistance ang mga ito.
Nais ni Zialcita na tumulong ang mga miyembro ng Kongreso sa pakikipag-usap sa mga parliaments ng Japan, Korea at iba pang bansa upang mapag-usapan ang tulong na maaaring ibigay sa mga World War II victims sa Asia at Pacific lalo na ang problema na may kinalaman sa mga comfort women.
Palagi na lamang aniyang naiisantabi ng gobyerno ang kapakanan ng mga lola na naging biktima ng Japanese Imperial Army.
Ayon pa kay Zialcita, sa ngayon ay may average age na 78-82 years old ang mga lola na naging biktima ng sexual slavery noong panahon ng Hapon. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am