Pinay ipinakulong ng among singer sa HK

Isang Pinay na naninil-bihan sa isang sikat na singer sa Hong Kong ang inaresto at sinampahan ng kaso dahil sa umano’y pag-nanakaw ng mga sulat at larawan ng kanyang amo.

Sa report ng Daily News, nag-plead ng not guilty sa isinagawang ar-raignment sa korte si Cata-cutan Preslyn-Saga, 30, na nahaharap sa kasong theft.

Si Saga ay idinemanda ng among pop star na si Jacky Cheung ng matukla-san umano ng singer na ninakaw ng una ang kan-yang sulat at tatlong pic-tures. Nag-plead ng inno-cent si Saga at sinabi na isang di pagkakaunawaan o misunderstanding lamang sa pagitan niya at kanyang amo ang nangyari.

Sinabi naman ni Cheung sa kanyang reklamo na plano niyang tanggalin na lamang bilang katulong si Saga matapos na matuk-lasan ang pagkawala ng kanyang sulat at mga pic-tures subalit kanya itong tinuluyan na kasuhan nang ipagkalat umano ng Pinay na napagbinta-ngan lang siya ng amo.

Nananatili sa kulu-ngan si Saga dahil sa ka-biguang makapaglagak ng piyansa na 1,000 HK dollars. Ang kasong theft sa HK ay may katapat na parusang 10-taong pag-kakabilanggo. (Ellen Fer-nando)

Show comments