PNP kinalampag sa jueteng
August 31, 2006 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. kay PNP chief Oscar Calderon na huwag nang hintayin ang katapusan ng Setyembre bago nito mapatigil ang panunumbalik ng jueteng operations sa Luzon. Sinabi ni Sen. Pimentel, dapat utusan ni PNP chief Calderon ang kanyang mga field commanders na maglunsad ng "honest to goodness" anti-jueteng campaign sa pamamagitan ng pag-aresto sa mga hinihinalang jueteng lords partikular sa lalawigan ng Albay, Sorsogon, Pangasinan, Isabela at Nueva Vizcaya.
Ginawa ni Pimentel ang panibagong hamon sa PNP matapos aminin ni PNP spokesman Samuel Pag-dilao Jr. na muling namamayagpag ang jueteng opera-tions sa Luzon kung saan ay ginagamit daw ng mga gambling lords ang legal na Small Town Lottery (STL).
Aniya, ang dapat gamiting batayan ng pulisya sa pagsasampa ng kaso ay ang Republic Act 9287 o Anti-Jueteng Law na kung saan ay mas mataas ang multa at parusa sa mga gambling lords at mga protektor nito.
Wika pa ni Pimentel, dapat sibakin ni Calderon ang mga field commanders na mabibigong mapahinto ang jueteng operations sa kanilang hurisdisyon lalo na kung ito mismo ang kumukunsinti at nagbibigay ng proteksyon sa nasabing illegal na sugal. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended