PRC walang planong magpa-retake ng nursing exam
August 31, 2006 | 12:00am
Inihayag kahapon ng Professional Regulations Commissions (PRC) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na wala silang balak na magpa-retake sa Board Examinations ng nursing. Sa joint hearing ng committees on good government at civil service, sinabi ni PRC chairperson Leonor Tripon Rosero na nanini-wala silang sapat na ang ginawa nilang formula para sa recomputation ng mga scores. Sinabi pa ni Rosero na mayroong sariling polisiya at guidelines na sinu-sunod ang PRC nang gawin nila ang recomputations ng mga grades. Ipinaliwanag pa ni Rosero na ti-nanggal na ng PRC ang Test 5 o psychiatric nursing na pinaniniwalang nagkaroon ng leak. Ipinanukala naman ni Dante Ang, kasalukuyang nangangasiwa sa imbestigasyon ng leakage na dapat magkaroon ng retake sa tests 3 at 5 upang malinis ang pangalan ng lahat ng pumasa sa board. (Malou Escudero)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am